Showing posts with label nationwide. Show all posts
Showing posts with label nationwide. Show all posts

Saturday, December 4, 2010

Mukha Mo Pang-asar (Just the Way You Are, Bruno Mars Parody by Sir Rex Kantatero and Pakito Jones aka Kamote Club)


Eto na ang kantang hiniling mo na i-parody nila Sir Rex Kantatero at Pakito Jones sa Kamote Club. Makinig sa Kamote Club para mas enjoy. Mon.-Sat. 8am-12nn. Sa 93.9 iFM.


Friday, August 13, 2010

Kuya Jobert, Napaaga.


Totoo, napaaga si Kuya Jobert. Kase 9pm palang, pwede na nyang sagutin ang mga tanong mo. Makinig lang sa 93.9 iFM at mag enjoy!

Tuesday, June 22, 2010

THE i10 NATIONWIDE COUNTDOWN



Ni-request mo na ba ang mga trip mong kanta? Pagdating ng Sabado, dyan magkaka-alaman kung anong kanta ang may pinaka maraming request. Sampung malulupit na mga kanta ang ibibigay sa inyo ni yummy-yumming si Yumi.

Bojo B.: Teka bakit si Yumi lang?

Kuholito: Oo nga! Pambihira.


Bakit mga DJ ba kayo?

Bojo B.: Hinde.

Hindi pala eh, bakit kayo umeepal dyan?

Kuholito: Anong pake mo eh kami yung mga co-host ni Yumi sa The i10.

Talaga lang ha.

Bojo B.: Ayaw pa maniwala nito, di ka kase nakikinig ng The i10 eh.

Kuholito: Oo nga! Kung ako sa’yo Mr. Blogger, makinig ka nalang sa’min sa The i10 tuwing Sabado, alas dose ng tanghali.


Alam ko.

Bojo B.: Alam mo naman pala eh. Sa susunod wag mo kaming kalimuta ilagay sa blog mo.

Ok, sige.

Kuholito: ‘yan. Ayusin mo trabaho mo.

Sorry po. Pambihira.

Monday, June 21, 2010

iFM PROGRAM AND DJ SCHEDULES


Enjoy ka simula umaga hangang gabi at hangang sa madaling araw.

KAMOTE CLUB WITH PAKITO JONES (5am to 8am)
Sa umaga, gigisingin ka ni Pakito Jones ng mga kwela nyang pakulo sa Kamote Club. Magpa-member ka na!

ROB & CHOOPS (8am to 11pm)
Tsismisan? Blind item? Horoscope? Ka-birthday? Alam kong trip mo rin yan, kaya join ka na kila Rob at Choops.

ANTON DE GRACIA AND EMOTIONS ON I. (11pm to 3pm)
Kasama mo naman sa tanghalian at pang tu-tok-tok si Anton De Gracia. Mag emote sa mga nakaka-kilig na tugtugan sa Emotions on i.

ROGER LUNTIAN (3pm to 6pm)
Pagdating ng hapon, ilabas ang makatang samurai! Mapapakingan mo ang mga hits at mga latest na songs habang pauwi ka na ng bahay with Roger on board.

SIGARILYAS AT MANI WITH YUMI (6pm to 10pm)
Nasan ka man, sa bahay, sa pasada, sa trabaho o kahit sa beerhouse. Wag mong papalagpasin ang nakakatuwang gabi at nakaka-relax na tugtugan sa Sigarilyas at Mani with Yumi.

ITANONG MO KAY KUYA JOBERT (10pm to 1am)
Ang Kuya mo sa Youtube at Facebook, nasa iFM na. Kahit ano pwede mong itanong, siguradong sasagutin yan ni Kuya Jobert. Mga aligaga din kayo eh!

PAJAMA PARTY WITH BEA (1am to 5am)
Parang nasa tabi mo lang kung siya'y pakikingan. Malupit pa sa viagra kung iyong pagmamasdan. Yan si Bea. Kaya makinig ka na, baka 'di mo makayanan, biglang mapa-c.r. ka.

Wala nang dahilan para lumipat sa iba dahil sa iFM, kumpletos rekados na. Sa iFM, Siguradong Enjoy ka!