Tuesday, June 22, 2010

THE i10 NATIONWIDE COUNTDOWN



Ni-request mo na ba ang mga trip mong kanta? Pagdating ng Sabado, dyan magkaka-alaman kung anong kanta ang may pinaka maraming request. Sampung malulupit na mga kanta ang ibibigay sa inyo ni yummy-yumming si Yumi.

Bojo B.: Teka bakit si Yumi lang?

Kuholito: Oo nga! Pambihira.


Bakit mga DJ ba kayo?

Bojo B.: Hinde.

Hindi pala eh, bakit kayo umeepal dyan?

Kuholito: Anong pake mo eh kami yung mga co-host ni Yumi sa The i10.

Talaga lang ha.

Bojo B.: Ayaw pa maniwala nito, di ka kase nakikinig ng The i10 eh.

Kuholito: Oo nga! Kung ako sa’yo Mr. Blogger, makinig ka nalang sa’min sa The i10 tuwing Sabado, alas dose ng tanghali.


Alam ko.

Bojo B.: Alam mo naman pala eh. Sa susunod wag mo kaming kalimuta ilagay sa blog mo.

Ok, sige.

Kuholito: ‘yan. Ayusin mo trabaho mo.

Sorry po. Pambihira.

Monday, June 21, 2010

iFM PROGRAM AND DJ SCHEDULES


Enjoy ka simula umaga hangang gabi at hangang sa madaling araw.

KAMOTE CLUB WITH PAKITO JONES (5am to 8am)
Sa umaga, gigisingin ka ni Pakito Jones ng mga kwela nyang pakulo sa Kamote Club. Magpa-member ka na!

ROB & CHOOPS (8am to 11pm)
Tsismisan? Blind item? Horoscope? Ka-birthday? Alam kong trip mo rin yan, kaya join ka na kila Rob at Choops.

ANTON DE GRACIA AND EMOTIONS ON I. (11pm to 3pm)
Kasama mo naman sa tanghalian at pang tu-tok-tok si Anton De Gracia. Mag emote sa mga nakaka-kilig na tugtugan sa Emotions on i.

ROGER LUNTIAN (3pm to 6pm)
Pagdating ng hapon, ilabas ang makatang samurai! Mapapakingan mo ang mga hits at mga latest na songs habang pauwi ka na ng bahay with Roger on board.

SIGARILYAS AT MANI WITH YUMI (6pm to 10pm)
Nasan ka man, sa bahay, sa pasada, sa trabaho o kahit sa beerhouse. Wag mong papalagpasin ang nakakatuwang gabi at nakaka-relax na tugtugan sa Sigarilyas at Mani with Yumi.

ITANONG MO KAY KUYA JOBERT (10pm to 1am)
Ang Kuya mo sa Youtube at Facebook, nasa iFM na. Kahit ano pwede mong itanong, siguradong sasagutin yan ni Kuya Jobert. Mga aligaga din kayo eh!

PAJAMA PARTY WITH BEA (1am to 5am)
Parang nasa tabi mo lang kung siya'y pakikingan. Malupit pa sa viagra kung iyong pagmamasdan. Yan si Bea. Kaya makinig ka na, baka 'di mo makayanan, biglang mapa-c.r. ka.

Wala nang dahilan para lumipat sa iba dahil sa iFM, kumpletos rekados na. Sa iFM, Siguradong Enjoy ka!

Sunday, June 20, 2010

Happy Father's Day



Mula sa 93.9 iFM. HAPPY FATHER’S DAY sa lahat ng Tatay or sa mga ayaw umamin na tatay na sila.

Yayain mo si tatay na mag-relax at makinig sa Sunday Rewind ng iFM, siguradong mage-enjoy sya sa mga sounds noong kapanahunan nya.

Saturday, June 19, 2010

Be The Next iFM Manila DJ


Sino ka man, tao ka man o hinde, maaaring ikaw na ang susunod na magiging iFM DJ. 
Be like Roger Luntian and Darling Yumi. Ano pang hinihintay mo? 

Magdala ng Resume/CV at mag-Audition ka na sa 

iFM, Unit 806, 8th Floor Atlanta Center, Annapolis St. Greenhills, San Juan. 



See also: Komikero Ka Ba?


Friday, June 18, 2010

iFM Manila Blog Site


Sa Wakas!!! Habang hinihintay natin ang launching ng Official Website ng iFM. Narito muna ang iFM Blog Site upang ihatid sa inyo ang mga bagong updates, bagong kanta, bagong chikka tungkol sayong paboritong radio station. Mapapakinggan niyo rin dito ang Automatic Online Internet Radio Streaming ng 93.9iFM Manila. 

Ang 93.9 iFM Manila! Sa iFM Siguradong Enjoy Ka!



Alternate Online Streaming
Mirror Site
See also: Kamote Club